HAPPINESS! I NEED HAPPINESS!

Panigurado, badtrip na ko buong linggo! Wala nang araw na hindi ako badtrip, wala naman kasing dahilan para maging masaya sa classroom, lahat na ata ng kaboringan at kalungkutan e naranasan ko na ‘dun. LESHE Tuwing makikita ko nalang ‘tong mga kaibigan ko ako sumasaya kahit ngitian at kawayan ka, ayos na ko kaso tuwing uwian lang naman, minsan may pinupuntahan ‘yung iba. ‘Di na kasi tulad ng dati. ‘Di ako nakakasama sa mga gala, may pagkakataong andyan na, malapit na pero mauudlot, may pipigil. Natatakot nga ako na mawala sila at magkanya-kanya na kami. ‘Wag sana kasi sila nalang ‘yung mga taong alam kong tunay kong kaibigan at sana hindi ako nagkakamali :(